Kalakip ng hindi pagtalima ni senador Allan Peter Cayetano mula sa kaniyang sinumpaang katungkulan bilang pangulo ng senado, ay ang pagsagawa ng pagpapalit ng liderato na siyang naging dahilan upang siya'y mawala sa puwesto. Buti na lang kahit papaano, nabawasan na rin ng tinik sa senado.
Kamakailan lamang ay idineklara ng bagong mayorya sa kamara na hindi na isang ganap na pangulo ng senado si Cayetano. Ito ay hindi na bago sa ating lahat sapagkat simula't sapul, sa nagdaang mga pulong sa senado, kahit katingting na prisensya niya ay hindi man lang maramadam dahil laging tamad pumasok, ngunit, hindi naman talaga tamad si Cayetano. Sa katunayan nga, napakasipag niyang mag-live sa Facebook, umiyak at pumutak sa mga press conference.
Isa pa, marami na ring naantalang mga panukalang batas na ihahain sa kapulungan na sana ay matagal nang nabigyan ng pansin. Isa na rito ang pinanghahawakan ni senador Risa Hontiveros na Anti-Hospital Detention Bill na sana ay nakaraang buwan pa naipanukala kung hindi lang wala si Cayetano. Kaya ano pang saysay ng pagod at paghihirap kung ang mismong namamahala sa senado ay hindi man lang magawa ang responsibilidad? Kaya hindi maitatanggi na gumugulo ang Pilipinas ay dahil sobrang gulo rin ng nasa pamahalaan.
"Ang tingin ba ng 12 senador ay basta kakampi mo ang Malacañang ay wala ng batas? Kung titingnan ang Rule 1 and 2 ng Senado, na ayon ito sa Philippine Constitution, para i-elect ang Senate President at Senate President [Pro] Tempore ay kailangan 13." Iginiit ni Cayetano sa kaniyang Facebook Live. Oo, batay sa konstitusyon ng 1987, artikulo IV, seksyon 16, kung walang 13 na boto mula sa 24 na senado at walang resignation na naganap, nananatiling may kapangyarihan pa rin ang Senate President.
Oo, may boses pa rin ang Senate President ayon sa batas, pero ang tanong, may bitaw nga ba? Kung tutuosin, hindi binabayaran ng taumbayan ang mga nasa gobyerno para lumiban lang at pabayaan ang mga ipinagkaloob na tungkulin sa kanila. A public office is a public trust nga ika nila, tapos ngayong babaguhin ang liderato, kung sino pa ang may walang bitaw, sila pa ang may ganang maghasik ng galit. Mapapa- "Bahala na si Batman" na lang talaga.
Dagdag pa rito, nilinaw din ng bagong mayorya na hindi pa naihahalal si Senator Win Gatchalian bilang bagong Senate President dahil kailangan pa ng 13 boto sa ilalim ng Konstitusyon. Kaya naman nananatiling bakante ang posisyon. Subalit kung susumahin, kahit ano pa ang posisyon ang magamapanan at kahit ano pang pagbabago sa kanilang katungkulan, malinaw na dapat lamang ituloy pa rin ang trabaho — dahil para saan pang natawag na pamahalaan kung hindi nito aayusin ang pamamalakad sa bansa at sa buong samabayanan, tama?
Siyang tunay, hindi pa natapos si Cayetano sa kaniyang ipinaglalaban at idinawit pa ang flood control projects na matagal nang iniimbestigahan. Aniya, isa lamang taktika ang pagpapalit-palit ng liderato sa senado upang matagalan ang pagsiwalat ng buong katotohanan tungkol sa anomalya na proyektong ito. Subalit hindi iyan magiging sapat na dahilan para makumbinsi muli ang taumbayan na paniwalaan ka. Ang totoo nga niyan, maging ako ay naloko sa sampung libo para sa bawat pamilya na ipinangako mo, kaya paano kami maniniwala niyan saiyo? Kung sa bagay, gagawin ang lahat, malinisan lang reputasyon.
Kung sa paaralan nga namin, hindi pinakikinggan ang Class President na hindi ginagampanan ang kaniyang tungkulin, ano pa kaya sa Senado? Tunay, wala nang nakikinig kay Cayetano sapagkat dulot ng kaniyang pagliban, naapektuhan ang buong komite at ang daloy ng kanilang mga talakayan.
Isang aral ito sa atin na hindi ibig sabihin mataas ang posisyon mo, ay hindi ibig sabihin na pababayaan mo ang tungkulin mo. Ang pagbabago ng liderato sa loob ng senado ay nararapat lamang kung hindi na pinahahalagahan ang responsibilidad na ipinagkatiwala. Higit sa lahat, walang sino man ang matatawag na haring walang bitaw kung una pa lang ay inayos na ang galaw para sa ikabubuti ng lahat.



