Ngayong paparating na Araw ng Kagitingan, hindi lamang ito ay simpleng araw ng pagdiriwang, sapagkat, ito ay paggunita sa kasalukuyang sistema ng hustisya sa Pilipinas.
Sa kabila ng paglipas ng panahon, nananatiling mainit at mahalaga ang usapin ng soberanya ng Pilipinas, lalo na sa West Philippine Sea. Bagama’t wala na ang tahasang digmaan, pinalitan ito ng kakarampot na tensyong diplomatiko at presyur mula sa mas makapangyarihang bansa na nagtatalimhuyop sa karagatan ng Pilipinas. Subalit, ang laban para sa ating karapatan sa dagat at yaman nito ay hindi madaliang mabubura sa ating paninindigan.
Simula nung Pebrero 13 - 14, 2023, inakusahan ang coast guard ng China ng pagdidirekta ng "military-grade laser" sa isa sa barkong may resupply mission ng Pilipinas sa mga tropang naninirahan sa Second Thomas Shoal. Bilang tugon, ipinatawag ang embahador ng China.
Pag-abot ng ika-5 ng Agosto, 2023, nagsimula na dito ang mapang-abusong asta ng mga dayuhang coast guard. Sa kasalukuyan, nagpapatuloy tensyon ng mga protesta, sagupaan sa mga coast guard, at pangbubuhos sa mga barko ng Pilipinas.
Ang soberanya at karapatan sa West Philippine Sea ay hindi dapat isuko, sa halip, ito ay dapat ipaglaban sa tamang paraan - may lakas, may talino, at may pagkakaisa. Bagama’t nagbago ang laban sa pag aangkin ng karagatan, ngayo’y nagsiklab sa alitan at presyur kaugnay ng mga kasunduang diplomatiko.
Noong Enero 14, 2026, sa isang dayalogo sa mga estudyante, ibinahagi ng Philippine Coast Guard Spokesperson na si Commodore Jay Tarriela ang isang presentasyon na naglalaman ng isang caricature o kartunistang imahe ng lider ng China na si Xi Jinping, na ipinakita kasama ang isang bangkang kahoy na may watawat ng Pilipinas. Ginamit ni Tarriela ang mga larawang ito upang ilarawan ang agresibo at magaspang na estilo ng pakikipag-ugnayan panlabas ng China.
Nagdulot ito ng paghain ng diplomatikong protesta ang embahada ng China sa Maynila noong Enero 16, na inaakusahan si Tarriela ng pag-atake at paninira sa lider ng China at ng paglabag sa mga “political red lines”.
Mula sa banggaan sa karagatan hanggang sa tumitinding tensyong diplomatiko, patunay na hindi pa tapos ang laban para sa soberanya ng ating bayan.
Bagama’t tensyon diplomatiko ang umiiral ngayon, hindi ibig sabihin ay wala nang panganib. Ang laban para sa soberanya at karapatan sa West Philippine Sea ay hindi natatapos sa isang desisyon o diplomatikong hakbang. Nanatiling hamon ang paninindigan ng pamahalaan at ng mamamayan upang hindi magparaya sa balingkinitang hustisya. Sa pagkakaisa, edukasyon, at matibay na paninindigan, maipapakita natin na ang Pilipinas ay handang ipaglaban ang kanyang karapatan at soberanya, ngayon at sa hinaharap.



