Gusto kong umalis.
Gusto kong lumayo,
sa aking pinanggalingan.
Hindi dahil wala itong halaga,
kundi dahil may mga panahong
ang pagmamahal ay hindi sapat
para manatili.
Gusto kong tumira
sa lugar na walang nakakakilala sa akin,
kung saan wala akong kailangang patunayan,
kung saan hindi ako nakakulong
sa bersyon na iba ang bumuo.
Gusto kong maglaho,
hindi para tumakas,
kundi para tanggalin
ang lahat ng pangalang ipinataw sa’kin,
para marinig ko
kung sino ba talaga ako
kapag wala nang sumisigaw
ng dapat at hindi dapat.
Ayokong mabitag
sa itinuturing kong tahanan,
lalo na kung ang tahanan
ay naging pader,
kung ang katahimikan
ay naging pagkatigil,
kung ang mga pangarap
ay unti-unti nagiging
masyadong malaki para sa’kin.
Ayokong tumigil
ang aking pag-unlad
dahil sa mga taong pumipigil sa’kin.
Sa mga matang sanay na sa maliit,
sa mga tinig na nagsasabing
dito ka na lang.
Hindi ko kasalanan ang mangarap
ng higit pa sa kaya nilang isipin.
I refuse to settle
in a place that confuses comfort with growth,
where staying is praised
even when it slowly erases you.
I don't want familiarity.
I want expansion,
I want days that stretch me,
nights that scare me just enough
to know I am still moving.
Because freedom, i think,
is not loud.
It is quiet,
it is waking up one day
and realizing
you are no longer asking
for permission to become.
At balang araw,
babalikan ko ang aking pinanggalingan.
Hindi para manatili,
hindi para muling maging kung sino ako noon,
kundi para maging patunay
na may mundong naghihintay
sa mga taong piniling umalis.
Ang pag-alis ay hindi pagtalikod,
kundi isang uri ng pag-angkin
sa buhay na
hindi ko kailanman matatagpuan
kung nanatili lang ako.



