malapit nang mag alas dose,
katakot-takot na katahimikan ang bumabalot sa labas.
unti-unti kong sinilip;
ngunit wala akong nakita.
akala ko ba'y misteryo ng himagsikan ang mararamdaman?
tila yata wala namang may pakialam.
dalawang dekada na ang nakalilipas—
iginapos at itinikom itong aking bayan.
humikahos nang lumabas—
nagtatago, baka may makakita.
nais sanang magtanong,
ngunit sinapalan na agad ang bibig nang ito’y aking binuksan.
ano nang mangyayari kung hindi tayo lalaban?
kumikilos na ang sandatahan, kahit baril ay nangangalawang.
susugod pa lamang, ngunit patay na ang kinabukasan;
hanggang sa kasalukuyan—
hikbi na lang ba ng bayan ko ang matutunghayan?



