Apat na titik , mahirap pantayan.
Isang kategorya, buong tapang na ipinaglaban.
Nasanay sa pagmulat ng aking mga mata,
makamit lang ang nag-iisang mithiin—
isang hangaring mahirap abutin.
Kaya’t sa pakikidigma sa DSPC,
dugo at pawis ang inihain.
Sa pagtungtong ko sa entablado,
Maraming tao ang nakatingin—
bitbit ang panulat at kaba’y bumabalot sa akin.
At nang marinig ko na ako’y ikalawang pwesto, ako ay nawindang–
RSPC na sana ngunit 'di pa nakamtan.
Hanggang pangalawang pwesto na lamang ba ako?
O isang pangarap na lamang ba ito na nais kong makamtan nang lubusan?



