“AKO lang ba talaga?”
‘Yan ang tumatakbo sa isipan ko habang inaya niya ako para sa isa pang date na patago. But who am I kidding? This isn't a date; it's an illegal rendezvous. Matagal ko nang nararamdaman na may iba siya; sa mga kaunting idlip sa kaniyang cellphone, sa mga bulong ng kaniyang kaibigan, at sa mga pagkakataong hindi niya ako pinapansin—'di ko rin alam kung dahil sa pag-aaral niya o sa kaniyang pagtutugtog.
Minsa'y napapasulat na lang ako ng tula na galing sa kantang pinapakinggan ko ngayon: ang Konsensya by IV of Spades. I scribble it on the notepad that I always bring, rain or shine. Habang hinihintay ko siya sa labas ng aming eskuwelahan, napapaisip na lang ako kung dapat ko ba itong ipagpatuloy. While I'm here, I can't help but wonder:
Am I really the one?
Kitain mo na ako, tapos na ba kayo?
Habang nasa prom kayo, sumasayaw kayo
Kita ko pa nga sa mga my-day mo;
Diyos ko, ang sasaya niyo.
While I'm here, sitting on a bench—the wind seemingly slapping my face, telling me to wake up—my tears well up. I know damn well that I'm the second option; the one to run to when she doesn't talk to you. Kaya mo siyang isayaw nang walang halong hiya, ngunit ako naman ang nasa isipan mo habang sumasayaw kayo. Siya ang pinapagawa mo ng iyong mga essay, ngunit kung personal ‘yan? Ako ang laging paksa; lagi mo pa ngang pinapakita sa akin.
Again, am I really the one? Or what if she is? Or what if we need to be one in order to be your true love?
Wala na bang natirang konsensiya
Kapag sinasabay niyo kami?
Siya ay iyong pinagyayabang
Habang ako'y nakaupo sa gilid
Mga dalawang oras na. Wala ka pa rin. Maybe it's time to let go. But my conscience needs your presence. My mind begs for me to let go, but my heart begs for more. Sa kakahintay ko, nakahiga na ako sa bangkong halos maging kanlungan ko na ngayong araw. Maggagabi na rin; baka pagalitan na rin ako. Pfft, para sa'yo to. Kaya ko pa. Kakayanin, para malaman ko na ang totoo.
Habang nakahiga ako, ipinapagtuloy ko pa rin ang tula ko. Iyon na lang kasi ang tanging paraan para hindi maging waterfall ang dalawa kong mata. I think of the memories that we had that enchanted me to fall in love with you even more. The time when we held hands during the night at this very same park, eating kwek-kwek like we had no schoolworks to do. The moment you locked eyes with me when I taught you Calculus when you had no review at all.
Haha. Napapaiyak na ako. Baka ako na yung walang konsensiya rito.
Handang-handa nga ako magpakatanga
Basta, habambuhay na kasama kita
Ngunit, ako lang ba talaga?
O mayro'n kang gusto sa iba?
Kasi kapag hindi mo na ako pinapansin
May nakikita akong tao na hindi sa'kin
Siya'y kahawak ng iyong kamay
Na hindi ko nakukuha
At ang binibigay ko ay lubos; habang ako'y maghihintay,
kukumustahin pa rin kita at magaalala.
At kung mailagay ng aking isipan sa imahinasyon,
ako'y ka-chat mo lang, at nakaakbay ka sa kaniya.
Sa totoo lang? Ayaw kitang mawala
Ngunit, ang kirot ng puso ko'y ‘di matiis
Hindi ka nga umaalis, ngunit wala ka naman dito
Nasa isipan ko'ng ika'y umuwi
O, ano? Maghahati na lang kami?
Sige, basta sa'kin ka umuwi,
at hindi sa tahanan niya.
Kahit ilang taon, kahit gabi-gabi
Ako ang kaniyang anino; siya ang iyong ilaw.
Natapos ko na rito ang tula, ngunit wala ka pa rin.
Baka oras nang umuwi at sumuko.



