Sa'n darating ang mga salita?
Sa'n darating ang mga tula?
Na ibinigay at inialay ko sa'yo sa mga tala?
Na nanggaling sa aking puso?
Sa ating dalawa, sana walang lumisan
“‘Wag naman sana, dapat habangbuhay man
tayong dalawa, dapat kumapit na
nang hindi makawala”
‘Yan ang sabi ko noong tinawag kitang sinta
Noong nagsulat ako tungkol sa ating mundo
Noong ikaw ang tahanan at mundo ko,
Noong ginusto ko na manatili sa piling mo.
Kapag kumakanta ang radyo ng kantang Mundo,
ikaw ang iniisip ko, habang sumasayaw tayo
Kahit na iba ang kasama mo, maghihintay ako
Hanggang haranahin kita gamit ang tula ko;
at ikaw, gamit ang gitara mo.
‘Wag mag-alala kung nahihirapan ka—nandito ako
Kung alam mo lang, bibigyan kita ng kahit na ano;
sagot sa sipnayan, salita sa sanaysay, o tula sa Filipino
At kung sa tingin mo, nawawalan ka na ng gana,
tara, pagmasdan natin ang mga tala.
Hindi mo man alam, ngunit aking sinta,
nabighani ako sa iyong ganda.
Bumabalik uli ang aking pag-asa,
na baka sakaling bumalik ang pag-ibig;
na bumalik ang aking gana.
Maghihintay ako, mananatili sa piling mo
At sa bawat paghinga na gagawin mo, gagawin kitang mundo;
Na may bawat sikot, sa bawat siyudad
Sa ating alaala, para hindi man mahuli
ng kalimot o kalmot sa itim na pusa
At kung lilimutin ko na ang aking mundo;
noong magkasama tayo sa munting silid-aralan tayo,
kung dati'y susunod ako sa iyong bawat galaw;
ngayon, hindi na ako maliligaw.
Walong tula at sampung kuwento;
Baka pito o siyam na patawad sa'yo
Kada buwan, labing-tatlong sagot, hinihingi mo
At labing-limang mensahe na binabale-wala mo.
Ang dami ng ginawa kong mundo;
ikaw at ang gitara mo ay patungo.
Linilibot ko ang tahanan,
ngunit ngayon ito'y kamalian.
Hindi na maliligaw sa iyong mata;
hindi na maliligaw sa pag-uukit sa iyong gitara.
Hindi na maliligaw sa mapanlinlang mong salita, at
hindi na maliligaw sa iyong panunuya.
Isang pangako na aking inaasam na matupad
‘Di na maliligaw, hindi na maliligaw
Hindi na maliligaw sa hiyaw
Ng iyong kaibigan, ng ating kaklase
Aking sinta, kung dati'y ikaw ang tahanan at mundo
ngayon ay ikaw ang hindi nagpapatahan, kundi nagpapaiyak
Isang kahangalan na ginawa kitang mundo
dahil ngayon, sa pagbalik ng aking huling alaala sa'yo
Ako'y ngayon ay naliligaw, sumisigaw, at humahagulgol sa ngalan mo.
Kung dati ay nakakapit ako'y naka-akit sa iyong salita,
na ginamit mo rin para ako'y masira;
marahil lang na sirain at sunugin ko ang alaala sa'yo
at marahil lang na kalimutan ka.
Ngayon, kung may bibe akong nakikita sa daan
Kahit hindi ko gawi, nanangalangin ako.
Na sana'y hindi maging mapait ang kanilang ngalan;
na sana'y limutin na ang mundo;
na sana'y hindi sila maging sunud-sunuran sa pag-ibig mo.



