
Kolum

Assembling editorial columns...



Sa puntong ito, hindi na tanong kung kasya ang limandaang piso. Alam nating kasya. Kaya. Gagawin at gagawin ng Pilipino dahil palagi naman tayong handang magtiis. Pero ang hindi natin dapat tanggapin ay ’yung pagpilit. Pagpilit na parang dapat tayong mahiya kung hindi tayo marunong magpakapraktikal.

Pababa na nang pababa ang tiwala ng bawat mamamayan sa pamamalakad ng ating gobyerno. Ang tanging hakbang lamang para ito’y maibalik, ikulong ang dapat ikulong at panagutin ang mga dapat panagutin. Upang walang makatakas, ilagay na sa rehas.

Ang Gobyerno ay may kapangyarihang baguhin ang ating buhay, ngunit tayo ay may kapangyarihang baguhin ang Gobyerno. Lagi tayong mag-isip nang matalino. Lagi nating ipaglaban ang katotohanan.

Ang pera ng bayan ay hindi dapat ituring na parang eksperimentong pwede lang ulitin kapag pumalpak. Kapag may estudyanteng napilitang huminto, hindi na maibabalik ang oras. Ang pangarap na nadurog ay hindi kayang bayaran ng kahit anong pahayag mula sa gobyerno.

Kung mananatili tayong tahimik, tayo rin ang magiging kasabwat ng sistemang binabalewala ang dangal at kapakanan ng mamamayan. Kaya't ngayon ang panahon upang gisingin ang sarili, tanungin ang ating konsensya, at ipaglaban ang gobyernong tunay na para sa tao.

Kahit gaano ko kamahal ang bansang aking sinilangan, kung hindi pagtutuunan ng pansin ng politiko ang kanyang sinasakupan, wala rin itong silbi. Kinakatakot ko na sa bawat bagyong darating, hindi pera ng taumbayan ang lulunurin—kundi tayo mismo ang tatangayin.

Kung mananatili tayong tahimik, tayo rin ang magiging kasabwat ng sistemang binabalewala ang dangal at kapakanan ng mamamayan. Kaya't ngayon ang panahon upang gisingin ang sarili, tanungin ang ating konsensya, at ipaglaban ang gobyernong tunay na para sa tao.

Kung patuloy na yuyuko ang kapulisan sa makapangyarihan, tungkulin nating bumoses: ang dugo’t pawis ng bayan ay alay sa kagitingan—hindi sandata sa luho ng makapangyarihan.

Kanya-kanyang pabango ang mga taong bumaho ang pangalan, ngunit kahit anong pilit niyo na gawing amoy bulaklak muli ang inyong mga ngalan, suntok na ito sa buwan.

Hangga’t hindi nasasagot, mananatiling nakabitin ang halakhak—at sana sa dulo ng kasaysayan, siya na rin ang mapagtatawanan.

Kung ang ulat ay hindi nagsasalita para sa mga pinakatahimik, hindi ito SONA kundi isang sana. Ito ay ulat tungkol sa mga mabubulaklak na progreso ngunit hindi kailanman natatapos. Mga pangako sa ilalim ng termino na matumal ang pagbabago.

Kung tutuusin, hindi rin ito sakunang mula sa langit, kundi gawang-tao—itinindig sa bawat proyektong walang saysay, bawat pondong winaldas sa walang kwentang bagay, sa bawat tarpulin na nauna pa sa mga pangangailangan ng nasalanta para mabuhay.

Sa bawat lubog ng bayan ay siya ring paglitaw ng tarpulin, mga pa-selfie sa gitna ng trahedya, at mga pangakong kasing nipis ng plastik ng ayuda.

Sa harap ng bawat pamilyang nawalan ng tahanan, bawat batang kumakalam ang sikmura sa evacuation center, at bawat bangkay na patuloy na hinahanap sa baha—sana maisip ng ating mga opisyal: Kanino ba talaga kayo nagsisilbi?

Nakapanlulumong isipin na sa bawat oras na tayo'y kumakain sa ating hapag, may isang rider na basang-basa, gutom, at pagod na pagod—naghahatid ng pagkain na hindi man lang niya kayang bilhin para sa sarili.