
Panitikan

Assembling editorial columns...


Kundi dahil may mga pusong hindi sigurado kung paano haharap sa sariling tanong: “Sapat ba ako?” Sa likod ng mga pilit na ngiti at salitang “ayos lang,” may mga pangarap na hindi naabot, pagkakataong hindi dumating, at mga pangalang hindi natawag. May mga kuwentong natengga bago pa man makapagsimula, at may mga pusong patuloy na nagtatagpi ng lakas habang nagtataka kung saan sila nagkulang — o kung bakit parang hindi sila nakita.

Dumadating na ang bagong bagyo. Bagyo na pinaghalo ang galit at pag-asa. Baha ng mga taong ilang dekada ng nalulunod sa mga pangako. Hindi na nila mananakaw ang kinabukasan. Mula sa bayan, namumulat na ang taong bayan. Para sa bayan, mulat na ang taong bayan.

Alas-otso na ng umaga. Sumisilip na ang sinag ng araw sa likod ng berdeng kurtina na tinahi pa mismo ni Inay. Tinatamad pa ‘ko bumangon, pagod kasi ako kahapon kakalaro ng chinese garter sa labas kaya kaagad akong nakatulog pagkauwi ng bahay. Pero nang maamoy ko ang bagong lutong sinangag ni Inay, dali-dali akong tumayo at umalis sa kama’t saka nagmamadaling tumakbo sa kusina. Paborito ko kasi ito sa lahat ng niluluto niya. Laging may sahog na malasadong itlog, dalawang pirasong ham, at mainit na gatas. Madalas ay nakakatatlong sandok pa ako sa sobrang sarap nito. Umupo na ako sa upuan at nang akmang magsasandok na ako ng kanin ay bigla akong pinigilan ni Inay. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang maamo niyang mga mata. Malungkot ang mga ito na para bang naaawa siya na hindi mo maintindihan. Hindi na bago ito sa'kin, ilang beses ko na siya nakitang ganito.

Sa isang banda, sinuksok ko ang aking sarili—takot sa batikos ng mundo. Paano na lamang sasabay sa takbo ng buhay kung ang isang tulad ko'y hirap sa lahat ng bagay.

Taon-taon, aalalahanin ang kaniyang pangalan hindi dahil sa kasakiman. Kundi multo na patuloy umiikot. Mumultuhin ng balang tumagos sa ulo niya ang lahat ng kasakiman na hanggang ngayon ay pumapaslang sa kaniyang bayan.

At sa ilalim ng bubong na ito, ipinangako ko: wala nang batang lalamon ng lungkot sa hapag, at wala nang pusong matutong mahalin ang katahimikan dahil iyon lang ang naiwan.

Buhos ng lokohan, bayan ay nawawalan ng kapangyarihan. May tiyaga namang maghintay, pero buhay ay ‘di talaga pantay. Matataas pa ba ang iyong noo? Ano ba talaga ang totoo?

Pero naroon siya. Nakatayo sa gilid ng kwarto, kasama si Ina. At naka ngiti siya habang naka tingin sa akin. Siya si Tito— ang nag dulot ng mantsa sa kumot ko.

Sana p’wede ring pumara sa buhay, p’wedeng ititigil mo na lang ang oras at maging bata habangbuhay. Pero wala, isang araw puro laruan ang bitbit mo— sa susunod ay nagbibigatang responsibilidad na ang mga ito.

Hindi ko nga lang mapigilang maisip, masama ba na akin ding unahin ang sarili kong kapakanan? Masama ba na ako naman ang humihiling ng proteksyon at kaligtasan?

Hindi pa ubos ang tinta, hindi pa pudpod ang lapis, ngunit may mga boses nang pinatatahimik sa gitna ng pahinang gusto nila’y malinis.

Sa panahon ng unos, ang pagkalinga ay obligasyon. Hindi lahat ng tao ay may panahong tumawa, hindi lahat ng sikmura ay busog, hindi lahat ng gabi ay payapa.

Sistema na kailangang magbago, mga bayani na humihiling ng pagbabago. Bangka na buhat ang mga nanghihinang loob, baha na kanilang linusob. Ilang beses na itong problema, nagtatapos na parang dilema.